472 violators nahuli ng PNP HPG sa unang linggo ng Agosto

CAMARINES NORTE- Aabot sa 472 violators ang nahuli ng PNP Highway Patrol Group sa lalawigan ng Camarines Norte sa Enforcement of Transportation Road Safety and other Special Laws sa unang linggo nitong buwan o August 2- 6, 2021.

Batay sa datos ng Provincial Highway Patrol Team nasa 275 ang hinuli dahil sa paglabag sa traffic rules and regulations, 22 unregistered, 58 dahil sa hindi pagsusuot ng seat belt at 117 na walang suot na helmet.

Pinakamarami  ang na- apprehend na motorsiklo na mayroong 371 habang 101 na 4- wheel vehicle.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa pagsasagawa ng operasyon nasa 46 ang mga na- impound na sasakyan, 55 motorsiklo at 7  naman sa 4- wheel vehicle.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Karamihan sa mga inisyu ay Traffic Citations Ticket (TCT) na nasa 457 habang 15 naman ang Temporary Operators Permit (TOP).

Mayroon ding mga nakumpiskang LED lights at modified muffler.

Muli namang nagpaalala ang HPG sa mga motorista na sumunod sa batas upang iwas huli at abala.

(Photos: PNP HPG)