Vaccination coverage ng Camarines Norte para sa A2 priority group umabot na sa 51 percent

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health na kumpara sa ibang probinsiya sa Bicol Region, mataas na rin ang vaccination coverage ng Camarines Norte sa A2 priority group o senior citizens.

Sa isinagawang Talakayan on COVID- 19 nitong Lunes, sinabi ni Dr. Rita Mae Ang Bon, DOH Bicol COVID- 19 Vaccination Program Coordinator na nasa 51 % na ng mga senior citizens ang nababakunahan sa lalawigan.

Gayunman mababa pa ang vaccination coverage ng Camarines Norte sa A3 priority group o sa mga taong may co- morbidity.

Aniya, naka focus ngayon ang lalawigan sa pagbabakuna ng mga nasa A2 priority group.

Sa kabuuan nasa 11 % pa lang ng populasyon sa Camarines Norte na 18 taong gulang pataas ang nabakunahan na  kontra COVID- 19.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon pa kay Bon ang target dapat sa lahat ng mga Lokal na Pamahalaan ay maabot ang minimum na 70 % para sa A2 priority group ganundin sa A3.

Tanging ang mga natukoy na high risk area lamang umano sa ngayon ang pinapayagang masimulan na ang pagbabakuna sa A4 priority group.

Gayunman, kailangang maabot muna nila ang minimum na 70 % coverage sa A2 at A3.

Ang target po natin is dapat po lahat ng ating mga LGUs po, lahat ng munisipyo lahat ng mga siyudad ay maka- achieve ng minimum 70 % para po sa  priority group A2 at minimum 70 % coverage para sa priority group A3,” ani Bon

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

“Tanging po yung mga areas na na identify as high risk classification ang pinapayagan na po nating magsimula sa priority group A4, pero ang pre- requisite po natin dapat ay nasa minimum 70 % din ang kanilang coverage sa A2 at minimum 70 % ang coverage sa A3, kasi ang atin pong mandato para sa ating nagbabakuna ay protect the most vulnerable first.”

(File photos)