45 kabahayan mula sa dalawang barangay ng Casiguran, benepisyaryo ng Sitio Electrification Program ng NEA at Soreco 1

Magliliwanag na ang 45 na kabahayan sa Sitio Iraya Brgy Tigbao at Sitio Bactolan Brgy Tiris sa bayan ng Casiguran, ito’y dahil ang nasabing mga household ang benepisyaryo ng Sitio Electrification Program o SEP ng National Electrification Administration (NEA) at Soreco I.

Katunayan ang nasabing mga lugar ay binisita na ng pamunuan ng Soreco 1 sa pamamagitan ni Director Angel Ayala.

Bukod dito ay pinuntahan  din ng opisyal ang iba pang lugar na maaring maging benepisyaryo ng libreng pagpapailaw sa ilalim ng SEP.

Ang Sitio Electrification Program ay may layunin na mapailawan ang mga sitio, purok o sona sa mga barangay na ang lokasyon ay malayo sa mismong sentro ng barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo para sa konstruksyon ng mga distribution lines at house wiring facilities sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *