429 record high COVID-19 cases naitala sa Bicol ngayong araw

BICOL—Naitala sa Bicol region ang 429 record high COVID-19 cases sa isang araw base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol. Bunsod nito ay pumalo na sa 25, 923 ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon.

Pinakamaraming bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Masbate na umabot sa 132 kung saan 44 nito ay mula sa Masbate city, 23 sa Cawayan, 19 sa Milagros, 11 sa Aroroy, siyam sa Cataingan, walo sa Baleno, anim sa Dimasalang, tigtatlo ang Palanas at San Jacinto, dalawa sa Mobo at tig-iisa ang Batuan, Mandaon, Monreal at Uson.

Ikalawang may mataas na kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na umabot sa 120 kung saan 52 ang mula sa bayan ng Pili, 11 sa lungsod ng Naga, siyam sa Calabanga, walo sa Sipocot, anim sa Minalabac, lima sa Nabua, apat sa Libmanan, tigtatlo ang Pasacao at Tigaon, tigdadalawa ang mga bayan ng Bato, Bula, Cabusao, Lagonoy, Pamplona at Ragay at tig-iisa naman ang mga bayan ng Baao, Camaligan, Canaman, Caramoan, San Fernando, Siruma at Tinambac.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang lalawigan ng Camarines Norte ay nagtala ng 79 na bagong kaso kung saan 24 nito ay mula sa Daet, tig-17 ang Basud at Labo, tiglima ang Jose Panganiban at Talisay, tatlo sa Mercedes, tigdalawa ang San Vicente at Vinzons at tig-iisa ang Capalonga, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Sta. Elena.

Ang Sorsogon ay nagtala ng 41 kung saan 29 nito ay mula sa Sorsogon City, lima sa Donsol, tatlo sa Pilar, dalawa sa Gubat at tig-isa ang Castilla at Matnog.

35 bagong kaso naman ang naitala sa Albay kung saan 15 nito ay mula sa lungsod ng Ligao, lima sa Daraga, tigtatatlo ang Bacacay, Malinao at lungsod ng Legazpi, tigdalawa ang Pio Duran at Sto. Domingo at tig-isa ang Polangui at Tabaco.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

17 kaso naman ang naitala sa Catanduanes kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Virac, apat sa Bagamanoc, tigdalawa ang San Andres at San Miguel at isa sa Gigmoto habang lima naman ang mga nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Samantala, pumalo na rin sa 20,392 ang tital recoveries matapos madagdagan ng 116 na panibagong gumaling kung saan 50 nito ay mula sa Camarines Sur, 31 sa Masbate, 26 sa Sorsogon, walo sa Naga City at isa sa Catanduanes.

Wala namang bagong nadagdag sa mga nasawi kung kaya nananatili sa 951 ang death toll sa COVID-19 sa Bicol.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm