BNFM Bicol-SUMAMPA na sa 42 mga bayan sa Bicol ang ideneklara nang drug-cleared and drug-free sa buong rehiyon.
Sa naganap na pagpupulong ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing nitong Hulyo 25, kinilala ang karagdagang mga barangay sa bayan ng Caramoran sa Catanduanes at sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte.
Kasabay dito ang pagkilala rin sa 24 barangay na mga drug-cleared at 13 barangay na drug-free.
Samantala, ang Drug-cleared barangay ay tinutukoy sa isang barangay na kung saan una nang nauri bilang drug-affected at sumailalim sa barangay drug clearing program ng mga otoridad at ang Drug-Free barangay naman ay mga barangay na walang naiulat na presensya ng mga gumagamit ng iligal na droga, tulak, o anumang aktibidad ng ilegal na droga. ### KENNETH BERMIL