SP Escudero – nais paimbestigahan ang multibillion-peso na alokasyon taun-taon para sa flood control projects

Hindi katanggap-tanggap ayon kay Senate President Chiz Escudero ang patuloy na pagbaha at pagparalisa sa buhay ng mga Pilipino tuwing nagkakaroon ng bagyo sa bansa.

Kasunod ito sa naging pananalasa ng bagyong Carina na nagdulot ng pagbaha sa ilang parte ng bansa lalo na sa Metro Manila at maging pagkawala ng buhay ng ilan.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Dahil dito, nais umanong paimbestigahan ng senador ang multibillion-peso na alokasyon dito.

Bago pa ito, una ng kinwestyon ni Senadora Imee Marcos kung saan napupunta ang pondo na kanilang inilalan sa flood control projects.

Samantala, ayon kay Escudero, hindi naman talaga makokontrol ang lakas at dalas ng pagkakaroon ng bagyo at mabigat na buhos ng ulan sa bansa pero maari namang mag-anticipate, mag-adjust at mag-adapt dito.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Dagdag pa niya, kailangan lang din magkaroon ng koordinasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lookal na pamahalaan para makapagmungkahi ang mga ito ng medium at long-term solution upang maiwasan ang pagbaha.