Agad na nagtungo sa Limay, Bataan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno nitong Huwebes matapos ang paglubog ng Motor Tanker Terra Nova, 3.6 nautical miles east ng Lamao Point.
Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Environment and Natural Resources, Department of Science and Technology at Philippine Coast Guard na pangunahan ang assessment sa posibleng environment impact nito.
Ayon kay Bataan Gov. Joet Garcia, tuloy-tuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa may-ari ng vessel at nagtutulong-tulong rin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Nitong July 25 ng madaling araw nang lumubog ang motor tanker na may dalang 1.4 million liters ng industrial fuel oil. Unang na-rescue ang labing-anim na crew habang ang katawan ng isa ay natagpuan alas tres ng hapon ng kaparehong araw.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: PCG