41 barangay sa Guinobatan, Albay isasailalim sa granular lockdown simula bukas dahil sa pagtaas ng Covid-19 cases

LEGAZPI-Isasaialim na simula bukas sa granular lockdown ang aabot sa 41 barangay sa bayan ng Guinobatan lalawigan ng Albay dahil sa tuluyang pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng Covid-19.

Kahapon, pinalabas na ni Guinobatan Mayor Gemma Ongjoco ang Executive Order number 45 para sa pagsasailalim sa lockdown ng nasabing mga barangay maliban sa, 3 barangay, ang barangay Balolo, Batbat at Pood.

Ang nasabi naman na 3 barangay ay isinailalim naman na General Community Quarantine o GCQ.

Ayon kay Ongjoco, ang nasabing desicion ay base sa kumpirmadong kaso ng sakit, aktibo at mga suspected case ng Covid-19.
Aniya, naipatawag na rin ang mga barangay officials mula sa mga apektadong barangay para pag-usapan ang dapat na gawin kasama ang mga mga tulong an pwedeng ibigay sa mga residente dahil ang mga ito ay bawal lumabas ng barangay hanggang sa October 21 o mahigit isang linggo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kasama sa babawalang lumabas ang mga 18 yrs old and below, 65 yrs old and above,with commorbidities, at pregnant and nursing mothers.

Magbibigay rin ng isang Quarantine pass bawat pamilya para siyang bibili sa labas ng bahay ng mga pangangailangan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Maging ang mga nagtatrabaho trabaho, nag-oopisina, mga nagdedeliver ng essential good and services ang kailangan magpakita na sila ay nagtatrabaho sa labas ng bayan.

Samantalang siniguro naman ni Ongjoco na sa panahon ng granular lockdown, maibibigay ang mga pangangailangan ng mga ito at mahigpit rin na ipapatupad ang mga checkpoints katulong ang PNP at barangay tanods.

Sa tatlong barangay na nasa GCQ, mananatili pa rin ang sinusunod na guidelines.