40 karadagang kaso ng COVID-19 variants naitala sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na aabot sa 40 karagdagang COVID-19 variant ang na-detect sa Pilipinas.

Ayon sa DOH batay sa whole-genome sequencing report lumabas na 4 ang bagong kaso ng Delta variant cases, 14 Alpha variant cases, 21 Beta variant cases, at isang Theta (P.3) variant.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Sinabi ng kagawaran ng kalusugan na ang Delta variant ay nakita galing sa mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) mula sa MV Eastern Hope, na kasalukuyang naka-docked sa South Korea.

Ang naturang mga ROF at na-repatriate noong June 3 kung saan dalawa sa mga ito ay nakumpleto na ang 10-day quarantine matapos dumating sa bansa.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Samantala sinabi naman ng DOH na 14 Alpha variant cases, 12 dito ang local cases habang ang 2 dito ay binibirepika pa ng ahensiya.

Dagdag pa ng DOH dalawa sa mga nahawaan ng Alpha variant ang namatay habang labing-dalawa ang gumaling na mula sa sakit.