40 health facilities nasira dahil sa bagyong Carina

Inihayag ng Department of Health na umabot sa 40 health facilities sa buong bansa ang apektado ng bagyong Carina.

Sa nasabing bilang, 18 dito ay mula sa barangay health station, 14 ang mga ospital, 7 rural health units, at isa dito ang regional office ng DOH.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Tiniyak naman ni DOH Assistant Sec. Albert Domingo na tuloy ang pagbibigay serbisyo ng DOH sa mga apektadong lugar.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Kasalukuyan rin na nasa Code Blue ang National Capital Region, Ilocos Region, Calabarzon, at Central Luzon dahil sa epekto ng Carina at Habagat.