Rehabilitasyon ng watersheds, ipinanawagan ng isang kongresista upang maiwasan ang pagbaha

Umapela si Rizal Fourth District Representative Fidel Nograles sa administrasyong Marcos na gawing prayoridad ang agresibong rehabilitasyon ng watersheds ng bansa upang maiwasan ang mga pagbaha.

Ayon kay Nograles, kalikasan ang nagsisilbing depensa ng bansa laban sa mga bagyo ngunit mauulit lamang ang naranasan tuwing malakas ang ulan kapag patuloy na nakalbo ang mga gubat pati na ang watersheds.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Dapat aniyang maalarma ang lahat at mag-isip na ng gagawin lalo’t tatlong bagyo pa lang ang dumadaan at hindi pa nabibilang ang mga pag-ulan na dala ng hanging habagat.

Hindi rin umano dapat manatiling bulag ang publiko sa sitwasyon sa kabundukan dahil kapag napabayaan ay mabilis na bababa ang tubig patungo sa komunidad kaya mahalagang protektahan ang watersheds.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Muli namang ipinanawagan ng kongresista ang pagtatatag ng Sierra Madre Development Authority na mangunguna sa conservation at management ng 500-kilometer long mountain range.

Tinatalakay pa sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukala.

Sa ulat ng NDRRMC, pumalo sa 9.7 million pesos ang pinsala sa agrikultura dulot ng bagyo habang 6.5 million pesos sa irrigation facilities at 1.2 million pesos sa imprastraktura.