Kinansela ng nakatakdang laro sa pagitan ng Brazil at Argentina sa World Cup qualifier ilang minuto bago ito magsimula.
Dinampot ng Brazilian Health Regulatory Agency (Anvisa) kasama ang Federal Police ang apat na Argentinian player dahil umano sa paglabag sa COVID-19 protocols ng host country na Brazil.
Ayon sa mga otoridad nagsinungaling ang mga English Premier League players na sina Emiliano Martínez, Emiliano Buendía, Giovani Lo Celso at Cristian Romero sa ibinigay na impormasyon pagdating sa Brazil.
Hindi umano sinabi ng mga manlalaro na galing pala ito sa UK noong nakaraang 14 na araw.
Hiniling naman ng Anvisa ang deportation ng mga nabanggit na players.
Kinumpirma naman ng CONMEBOL na dahil sa insidente ay suyspendido ang football match sa pagitan ng Brazil at Argentina.
“Due to the decision of the game’s referee, the match organized by FIFA between Brazil and Argentina for the World Cup qualifiers is suspended,” bahagi ng pahayag ng CONMEBOL via Twitter.
