4 na umano’y miyembro ng NPA, sumuko sa Tampakan

KORONADAL CITY — SUMUKO sa mga otoridad ang apat na miyembro umano ng rebeldeng New People’s Army o NPA sa isinagawang Oplan Kalinaw Releodad Sa Sitio Nabol, Barangay Lampitak, Tampakan, South Cotabato.

Kinilala ang mga ito na sina Evelyn Laway Tadao alyas Lotlot, 56-anyos; Jomat Dialang Tanway alyas Jimboy, 35 anyos; Jomar Cayon Tanway alyas Michael, 32 anyos; at Angelbert Jovenal Andaya alyas Jay 32 anyos.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Tatlo sa mga ito ang miyembro ng Guerilla Front ALIP at isa naman ang miyembro ng Guerilla Front Musa 73.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang dalawang homemade shot gun, dalawang Uzi sub-machine guns, mga magazine at bala.

Ipinasiguro naman ni PCol. Nathaniel Villegas, provincial director ng South Cotabato PNP ang tulong sa mga sumukong rebelde upang makapagsimula ng kanilang bagong buhay.