4 na transport groups, binawi ang kanilang apela para sa piso na dagdag pasahe

Inatras ng tinatayang nasa apat na transport groups ang kanilang apela na piso na dagdag sa minimum fare kasunod ng kanilang pakikipagpulong sa Department of Transportation (DOTr).

Sa ulat ni Pasang Masda national president Obet Martin ay sinabi na napagdesisyunan ang pag-atras sa petisyon matapos magbabala ni Transportation Secretary Arthur Tugade na posibleng magdulot ng inflation ang pagtataas pasahe.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Napaulat rin na kinumbinsi ng kalihim ang transport groups na huwag isulong ang minimum fare hike ngayong dodoblehin ng gobyerno ang fuel subsidy para sa drivers at operators ng hanggang P5 billion.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Ayon sa ulat, P13,000 fuel subsidy ang ibibigay sa kada benepisyaryo, na ire-release sa dalawang tranches ngayong Marso at Abril.

Samantala, idinagdag ng report na magiging bahagi na ang traditional jeepneys sa service contracting program ng gobyerno.