Naaresto na ng Catanauan Municipal Police Station (MPS) ang apat (4) na lalaking suspek umano sa pagsunog sa isang unit ng minibus nitong Enero 31 sa Barangay Dahican ng nasabing bayan.
Sa isang resort sa Mulanay, Quezon, nadakip ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Ernesto”, 50, Sales Manager, taga Bacoor, Cavite; alyas “Noel”, 54, Civil Engineer, taga Brgy. Tagpus, Binangonan, Rizal, alyas” Dominic”, 28, Civil Engineer, taga Brgy. San Fernando Cabiao, Nueva Ecija, at alyas “Jade”, 46, Film Director, taga Capitolyo, Pasig, City.



Ang mga suspek ay positibong kinilala ng mga saksi kabilang na ang driver at mga pasahero ng minibus.
Kaugnay nito, lumabas sa masusing imbestigasyon ng awtoridad na may isang Gumaca Transport Minibus dispatcher ang binantaan din ni alyas “Benboy” matapos kunan ng larawan ang mga lumang modelong jeepney sa Gumaca.
Ayon sa saksi, isang driver ng modernong pampasaherong jeep ang nakipagtalo sa isang jeepney driver dahil sa road rage mula Gumaca hanggang Catanauan.
Nahaharap ngayon sa kasong Arson ang mga suspek.