11 na munisipalidad sa Isabela, zero case na sa covid-19

Tumaas pa sa 11 na bayan sa Lalalawigan ng Isabela ang wala nang kaso ng Covid-19 batay sa datos na inilibas ng Isabela Provincial Health Office ngayong araw, March 4, 2022.

Ayon sa datos, ang mga bayan na wala nang kaso ay kinabibilangan ng Aurora, Divilacan, Dinapigue, Luna, Maconacon, Reina Mercedes, San Agustin, San Guillermo, San Isidro, San Pablo at Sto. Tomas.  

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Habang nasa 26 naman na bayan at siyudad ang nanatili paring mayroong aktibong kaso ng naturang sakit.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Samantala, sa kabuoan ay mayroon nang 66 na kaso ang lalawigan ng Isabela matapos maitala ang panibagong 13 na kaso ngayongh araw.

Naitala rin ang panibagong pitong recoveries at wala namang naidagdag sa bilang ng nasawi may kaugnayan sa covid-19.