4 na mga STL bookies, kalaboso sa Lipa City, Batangas

LIPA CITY – Nakakulong na ngayon ang apat na mga bookies o iligal na nagpapataya ng Small Town Lottery o STL matapos na maaresto sa magkahiwalay sa operasyon sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang mga naaresto na sina Arace Sabas, Edilberto Macasaet, Hector Lagutan at Edwin Africa, pawang mga residente ng lungsod.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon sa imbestigasyon, akto ang mga ito na nahuli ng mga police operatives na nagpapataya ng numero kahit hindi otorisado ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Narekober mula sa mga suspek ang papel na listahan ng taya, mga ballpen at iba pang paraphernalia.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9287 o “An Act to Increase Penalties Agaisnt Illegal Number Games”. | Mike Salgado