4 na eskwelahan sa Masbate, unang sasabak sa pilot test ng face to face classes

SORSOGON CITY – Sa kabuuang 59 na mga paaralan sa bansa na nakapasa sa Dept of Health (DOH) at napayagang magpatupad ng pilot test ng face to face classes, apat dito ay mula sa rehiyong Bicol at lahat  ay pawang sa lalawigan ng Masbate.

Napabilang dito ang Asid Elementary School, Sinalongan Elementary School at Gutusan Elementary School lahat sa lungsod ng Masbate at ang Mary B. Perpetua National High School sa bayan ng Milagros, Masbate.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon sa DOH, ang mga nabanggit na eskwelahan ay napabilang sa minimal o low risk base sa Covid-19 Alert Levels para sa syudad at munisipyo.

Ang nasabing pilot test ay magsisimula sa ika-15 ng Nobyembre nitong taon.

Subalit bago magsimula ito ay kinakailangan mayroong approval ng mga magulang at  dapat papayag din ang local government unit (LGU). Kailangang mag-sumite ng parent’s permit ang estudyante para makasali sa face-to-face classes.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kasama sa permit ang mga ginawa para mag-obserba ng health standards sa bahay, habang nasa biyahe, sa paaralan, at immediate disclosure ng sintomas ng COVID-19 o exposure kung sinumang miyembro ng pamilya ang nagkaroon ng infections.

Ang pagsasagawa ng pilot face to face classes ay inaprubahan noong ika-20 ng Setyembre ni Pang. Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete sa kanilang 49th Cabinet meeting.