Diocese of Daet inanunsiyo ang gagawing launching ng Synod

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Diocese of Daet na isasagawa sa October 17 ang launching ng Synod.

Ito ay ilang araw pagkatapos ng gagawing launching sa Roma sa October 10.

Ayon kay Bishop Rex Andrew Alarcon, dati ay pagtitipon lang ng mga Obispo ang synod kung saan pinag uusapan ang mga mahahalagang bagay sa loob ng simbahan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ngayon umano ay nais ni Pope Francis na hindi lang ang mga Obispo ang kunsultahin hinggil sa mga mahahalagang usapin kundi kasama na ang mga parishioners maging ang mga galit o hindi pumapasok ng simbahan.

Ang tema na itinakda ng Santo papa para sa Synod na ito ay “For Synodal Church: Communion, Participation and Mission.

Magiging iba ang darating na Synod of Bishops dahil gagawin ito sa loob ng dalawang taon mula ngayong 2021 hanggang 2023.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Hindi tulad ng mga nakaraang Synod na ginagawa lang sa Vatican, ang darating na Synod of Bishops ay ipagdiriwang din sa mga lokal na simbahan sa buong mundo.

Bubuksan ang Diocesan phase ng Synod sa Oktubre 17 na tatagal hanggang Abril 2022.