4 na Butanding nakunan ng video sa Sagñay , CamSur; BFAR Bicol may paalala

NAGA CITY—Sa isang pambihirang pagkakataon ay nakita ng malapitan at nakuhanan pa ng video ang apat na butanding sa karagatan ng Sagñay, Camarines Sur.

Sa kuhang video ng DA Sagñay, makikitang lumalangoy sa malinaw na karagatan ang mga butanding sa may aplaya malapit sa isla ng Barangay Atulayan.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Ayon sa tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol na si Nonie Enolva, hindi lang sa Sagñay nakita ang mga butanding kundi maging sa karagatang sakop ng Siruma at Tinambac.

Ilan sa mga dahilan kung bakit napapadaan ang mga butanding na may scientific name na “Rhincodon Typus” ay dahil sa pagkain tulad ng maliliit na isda at plankton na marami sa mga ganitong season o buwan.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Paalala ni Enolva, na ang mga butanding ay itinuturing na mga endangered species kaya’t huwag aniya itong huhulihin, sasaktan, hahawakan o sasakyan.