4 na bayan at 1 syudad sa isabela, inilagay sa red areas o election areas with grave concern ng comelec

Apat na bayan at isang syudad sa lalawigan ng Isabela ang inilagay sa “category red o election area with grave concern” ng COMELEC at PNP.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLTCOl. Pepito Mendoza Jr., Deputy Provincial Director for Operations ng IPPO, kabilang rito ang mga bayan ng Jones, San Guillermo, San Mariano, San Pablo at City of Ilagan.

Aniya, ang mga naturang lugar ay kabilang sa red areas dahil sa pagkakaroon ng presensya ng komunistang grupo, matinding political rivalry at iba pang kaganapan na may kasamang karahasan sa nakalipas na eleksyon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Paliwana niya na bagaman walang contending parties sa City of Ilagan subalit batay sa kanilang assessment ay mayroon umanong “strong presence” ng CTG sa lugar.

Habang napabilang naman ang San Pablo sa Red Area dahil sa nangyaring shooting incident noon na ikinasawi ng isang barangay Kagawad.

Kaugnay nito ayon kay PLtCol. Menodza, ay nagtalaga na ng dalawang team mula sa security forces ng IPMFC na babantay sa red areas at tatlong team naman ang inilatag sa bayan ng San Pablo.

Ito aniya ay upang maiwasan magkaroon pa ng mga ganitong insidente.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, kabilang naman sa “Orange category” o election areas with immediate concern ang mga bayan ng Burgos, Maconacon at Mallig.

Ayon pa kay PLTCol. Mendoza, hiniling na rin nila sa mga network provider na palawakin ang kanilang bandwidth upang maabot ang mga pinakaliblib na lugar sa mga red area.

Sinabi niya na kulang sa koordinasyon ang nakikitang dahilan o lapses noon mga nagdaang eleksyon kaya nagkaroon ng hindi kanais-nais na pangyayari kung saan inihalimbawa nito ang pang-aagaw noong sa VCM sa bayan ng Jones.

Naglatag na rin aniya sila ng operating procedures na susundin ng operating troops sa mga naturang llugar.