Patay ang apat na mga turistang Koreano matapos inanod sa baha ang kanilang sasakyan sa Vietnam Central Highlands.
Nangyari ang aksidente sa probinsya ng Lam Dong kung saan popular na puntahan ng mga turista ang Dalat.
Ayon sa Vietnam News Agency, sinubukang tumawid ng kanilang kotse sa rumaragasang ilog.
Bukod dito, sadyang mataas ang lebel ng tubig sanhi ng tatlong araw na sunod-sunod na pag-ulan sa Hanoi.
Samantala, nakaligtas naman ang Vietnamese driver na kasama ring inanod sa baha.
Photo Courtesy: Vietnam News Agency
