CAMARINES NORTE- Umaabot sa 10, 474 Cam Norteño ang nagparehistro sa katatapos lang na voters’ registration na nagsimula noong December 12, 2022 at nagtapos nito lang January 31, 2022.
Karagdagan ito sa 389, 545 na total registered voters as of August 1, 2022 Election Registration Board (ERB) hearing para sana sa naipagpaliban na Barangay at Sangguniang Elections noong Disyembre.
Kung papansinin ay tila mababa ang turn- out ng katatapos lang na voters’ registration.
Pero paliwanag ng Commission on Elections na saturated na rin kasi ang mga barangay dahil sa ginawang mga satellite registration noong mga nagdaang araw.
Ang kapansin- pansin umanong marami ngayon ay ang transfer na dati ay hindi pinayagan sa BSKE.
Dadaan pa sa Election Registration Board (ERB) hearing bago makasama sa pinal na listahan ang mga nagparehistro ngayon.
Simula sa Pebrero 20, itinakda ang ERB hearing kung saan didingin ng Comelec kung mayroong protesta sa ipo- post nilang listahan ng mga aplikanteng botante para sa BSKE sa Oktubre.
Kung may mga ganitong pangyayari ay mag- iimbestiga muna umano ang Comelec bago mag desisyon.
