4 ka-tao, nahuling nagco-compressor sa Cuyo, Palawan

Arestado ng pulisya kahapon ng umaga, ika- 21 ng Agosto ang apat na ka-tao sa Palabatan Islet, Brgy. Caponayan, Cuyo, Palawan.

Nilabag umano ng mga ito ang Provincial Ordinance nr. 1643 Series of 2015 habang nangingisda sa karagatan ng isla.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang mga inaresto ay sina Edmar Mata Muaña, 37 anyos, Boat operator kasama sina Arjon Magbanua Robes, 38 anyos , Chief Engineer, Nielmar Barrios Malacas, 29 anyos at si Allan Solano Caballero, 39 anyos.

Batay sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, nahuli ang mga mangingisda sakay ng motorized banca na gray habang nangingisda gamit ang air-compressor.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kinumpiska sa kanilang bangka ang humigit kumulang 20 kilos ng isda, air compressor, hose at iba pang fishing paraphernalias.

Samantala, dinala ang mga ebidensya at mga nahuli sa  Cuyo PNP.