BICOL—Puspusan na ang vaccination rollout kontra COVD-19 sa probinsya ng Albay.
Bukas, Oktubre 23, nasa 3,000 na indibidwal ang target na mabakunahan sa gigibuhon na mahiwasan na pagbakuna sa Albay Astrodome.
Sa ngayon, nasa 269,000 indibidwal pa lang ang nababakunahan sa lalawigan o mahigit 27% ng kabuuang 987,196 na target mabakunahan upang maabot ang herd immunity.
Ayon kay Provincial Health Office Supervising Administrative Officer Ryan Altavano, target nilang maabot ang herd immunity bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ang gagawing vaccination bukas ay bahagi umano ng layuning ito kung saan dapat nang mabakunahan ang 70% ng target population upang mapababa ang peligro ng mas malalang epekto ng COVID-19 sa mga tinatamaan nito.
Dahil dito, inabisuhan ni Altavano ang mga magpapabakuna na mag fill out online sa Pre-Registration Form for Covid-19 Vaccination Activity na matatagpuan sa link na kainilang ibinigay ( https://forms.gle/yxBiou4nzXDUBtTv7 ) at itext ang pangalan, edad at address sa numerong 0931-948-5501 o kaya i-message ito sa APVOC facebook page.### || slm