39 former rebels, nakatanggap ng higit 100,000 na financial assistance mula sa DSWD RFO2


Nasa 39 na former rebels sa bayan ng Sto. Niño at Rizal, Cagayan ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2.


Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DSWD Regional Information Officer Brendan Jansen Tangan, ito ay bilang bahagi ng programang NTF-ELCAC sa ilalim ng Executive Order no. 70.


Aniya, kabuoang 190,000 ang naipamahagi sa mga nabanggit na dating mga rebelde.


Bukod dito ay nakatanggap din sila ng 39 na family food packs mula sa DSWD RFO2.


Dagdag pa ni Officer Tangan, magkakaroon din ng housing project ang LGU ng Rizal, Cagayan para sa 21 na former rebels sa kanilang bayan.


Kaugnay dito, isang ektaryang lupain ang inilaan sa nasabing proyekto kung saan 50 na rebel returnees ang maaaring manirahan dito.


Ipinabatid naman ni RIO Tangan na magpapatuloy ang mga programa ng DSWD RFO2 para sa mga rebel returnees na tuluyan nang sumuko sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *