Hindi bababa sa 37 katao ang nasawi, kabilang ang ilang bata, matapos na magdamag na atakihin ng Islamic State-aligned Allied Democratic Forces militia ang isang paaralan sa Western Uganda.
Base sa ulat ng pulisya, maraming estudyante ang hindi pa nakikilala at mayroon ding walo pang indibidwal ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.

Hindi rin ito ang unang beses na may inatakeng paaralan sa Uganda na iniuugnay sa grupo.
Itinuturing ang insidente na deadliest attack mula ng maganap ang twin bombings sa Kampala, Uganda noong 2010 na ikinasawi ng 76. Inako ng Somalia-based Al-Shabaab group ang insidente.//CA