359 na karagdagang Pilipino, na-repatriate mula sa UAE ayon sa DFA

Inihayag ng Department of Foreign Affairs na nadagdagan ng 359 ang bilang ng overseas Filipinos na nagawa nitong maiuwi mula sa United Arab Emirates.

Dahil diyan ay sinabi ng DFA na umakyat na sa 3,000 ang bilang ng mga Pilipinong na-repatriate nito mula sa nasabing bansa mula sa Gitnang Silangan, mula nang magsimula ang pandemya.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ayon sa DFA, mula sa 359 na Pilipino ay kasama na rito ang 112 na Pilipino na nagdadalang-tao at 12 persons with disabilities.

Dumating sila sa Davao International Airport nitong Linggo sakay ang 7th special chartered flight mula sa UAE.

Binigyang diin naman ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na nagta-trabaho na sila ng double time upang matiyak na makakasama ang lahat ng mga in-distress overseas Filipino sa repatriation sa lalong madaling panahon.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ipinunto rin niya na binibigyan nila ng konsiderasyon lalo ang mga buntis, PWDs, at iba pa na may special needs upang mapabilis ang kanilang pag-uwi.