Inanunsyo ng Thailand na plano nito na magpatupad ng mas mahigpit na lockdown sa Bangkok at sa mga high-risk na probinsya matapos maiulat sa bansa sa ikatlong sunod na araw ang record-high COVID-19 daily infections.
Kamakailan ay naiulat ng Thailand ang 11,397 na karagdagang infections at 101 na bagong nasawi na dahilan para umangat ang kabuoang bilang ng mga kaso nito sa 403,386 at death toll sa 3,341.
Kasalukuyang lumalaganap sa naturang bansa ang mga mas nakakahawa na Alpha at Delta COVID-19 variants.

Dahil diya ay ipinatupad ng Thailand ang ilang measures kabilang na ang pagsuspinde sa karamihan ng domestic flights nito at ang pagpapalawak ng curfew areas.
Patuloy naman papayagan ng Civil Aviation Authority Thailand (CAAT) na makabyahe ang medical flights, emergency landing aircraft at flights na may koneksyon sa tourism reopening programs ng gobyerno, habang ang ibang local flights naman ay papayagang makabyahe ngunit dapat ay nasa 50% lamang ang capacity nito.
Iginiit din ni General Nattapon Nakpanich, head ng National Security Concil, na magpapatupad rin sila ng measures sa Thailand na nakadisenyo na panatilihing nasa bahay ang mga tao, lalo na sa mga high risk areas, simula sa Martes.