Nasa 34 na barko ng People’s Liberation Army Navy at Chinese Coast Guard ang namataan sa Ayungin, Sabina, at Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, namonitor ang mga barko ng China sa naturang mga isla noong October 7 hanggang 13.
Ang patuloy na iligal na presensya ng mga barkong ito sa WPS ay tahasan umanong pagbabalewala sa 2016 Arbitral Tribunal ruling at malinaw na paglabag sa ating sovereign rights.
Dahil din sa patuloy na presensiya ng China sa ating mga isla, kinakailangan na anilang ipagpatuloy ang modernisasyon ng defense and security capabilities ng AFP.