2-taong gulang, patay matapos mabundol ng isang pick up truck sa Tondo, Maynila

Patay ang isang 2-taong gulang na batang babae matapos mabangga at masagasaan ng isang pick-up truck na minamaneho ng kanilang kapitbahay sa Tondo, Maynila.

Hindi napansin ng driver ang bata nang paandarin nito ang kanyang sasakyan. Agad na dinala ng driver ang bata sa ospital, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Inilarawan ng ina na si Alyza Najera ang kanyang anak bilang miracle baby ng kanilang pamilya, na bumili lang ng kanilang pagkain, ngunit pagbalik nito sa bahay ay wala ng buhay ang kanyang anak.

Nakatakdang sampahan ang driver ng kasong reckless imprudence resulting in homicide. Kasalukuyan itong nakakulong sa Manila District Traffic Enforcement Unit at tumanggi nang magbigay ng pahayag tungkol sa insidente.