3 taong gulang na bata, nasalabay patay

Nakaburol na ngayon ang tatlong taong gulang na si “Natnat”.

Nasalabay kasi ito noong Linggo, May 12 sa tabing ilog sa bakawan ng Pajara Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City, Palawan.

Naglaro umano ito kasama ang 10 anyos nitong ate sa hanggang tuhod na tubig sa hanggang nahawakan nito ang salabay, ayon sa ina nito na si Jelly Jaylo.

Isinugod pa sa Ospital ang bata subalit kalaunan ay namatay na ito.

Sa pagsusuri ng doktor, salabay ang ikinasawi ng paslit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *