Hindi sapat na suspindihin ang strip at cavity search sa mga bumibisita sa persons deprived of liberty (PDLs) sa mag pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ito ang iginiit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kasunod ng suspension ng naturang mga searches, at sa gitna rin ng imbestigasyon hinggil dito.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Brosas, sinabi niyang hindi ito sapat dahil ang kailangang malaman ay kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.
Dagdag pa ng mambabatas, dapat magkaroon ng kahiwalay na investigating body, at hindi lang Department of Justice ang mag-imbestiga sa issue.
Ito aniya ay upang matiyak ang accountability at transparency sa imbestigasyon, gayundin ang sanction sa mga lalabag na tauhan.