Ginawaran bilang outstanding PESOs ang tatlong Public Employment and Services Office (PESOs) sa probinsya ng Isabela ng DOLE Regional Field Office No. 2.
Sa isinagawang awarding ngayong araw na pinangunahan ni Regional Director Joel Gonzales ay iginawad ang certificate of recognition sa mga LGU ng Naguilian, San Mariano at City of Ilagan.
Ang mga ito ay pinili umano ng mga panel mula sa DOLE Region 2 dahil sa kanilang pagkakaloob ng agarang trabaho sa gitna ng kahirapang idinulot ng pandemiya.
Ang Secretary’s Bayanihan Service Award sa pangunguna ni DOLE Sec. Silvestre Bello III ay layunin umanong bigyang pagkilala ang mga kontribusyon ng mga PESO sa buong bansa sa patuloy na pagbibigay ng programa, proyekto at serbisyo sa mga mamamayan.
Ito ay sa kabila nang nararanasang restrictions sa mga lokalidad upang makontrol at maiwasan ang paglaganp ng COVID-19. Samantala, ang mga itinanghal namang nanalo ay kakatawanin ang Region 2 sa nationwide search sa kaparehong award kung saan maaaring makatanggap ang winners ng P100,000 at consolation price na nagkakahalaga ng P20,000 bawat nominee.