3-patay, 2-sugatan sa pamamaril sa Kansas City

ISA nanamang ‘mass shooting’ incident ang naganap sa Estados Unidos.

Batay sa ulat ng mga otoridad, hindi bababa sa tatlo katao ang nasawi habang hindi naman bababa sa dalawa ang sugatan matapos mamaril ang hindi pa nakikilalang suspek sa isang night club sa Kansas City sa Missouri nitong Linggo.

Dalawa sa tatlong mga biktima ay dead on the spot habang ang isa pa ay isinugod sa ospital ngunit agad ring binawian ng buhay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa insidente at pagkalap ng witness para sa pagkakadakip sa salarin.

Batay sa datus, ito na ang ika-230 insidente ng ‘mass shooting’ sa United States ngayong taon.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *