3 pang COVID-19 vaccine developers, nag-aplay para sa local clinical trials

Kinumpirma ni Science and Technology Undersecretary Rowena Guevara, na nakatanggap ang Pilipinas ng tatlong bagong aplikasyon para sa COVID-19 vaccine clinical trial.

Ang vaccine developers na nag-aplay para sa pagsasagawa ng Phase 3 trials ay ang West China Hospital and Sichuan University, Shenzhen Kangtai Biological Products Co., at Eubiologics Co. Ltd.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Guevara, ang evaluation sa aplikasyon na isinumite ng West China Hospital and Sichuan University, maging ang sa Shenzhen Kangtai ay nagpapatuloy habang ang sa Eubiologics ay kinokompleto pa ang ilang requirements.

Samantala, hinihintay rin ng Department of Science Technology ang pagpapalabas ng World Health Organization ng kanilang final protocol at listahan ng COVID-19 shots para sa kanilang Solidarity vaccine trials sa bansa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Una nito, binigyan ng Food and Drug Administration ng go signal ang COVID-19 vaccine trials ng Johnson & Johnson’s unit Janssen, Clover Biopharmaceuticals, at Sinovac Biotech. // MHEL PACIA