3 NPA sumurender

Bunsod ng patuloy na paghihimok ng pamahalaan na sumurender na lamang imbes na makipaglaban, tatlong miyembro ng rebeldeng grupong NPA ang boluntaryong sumurender sa tropa ng PNP sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Sorsogon.

Unang dumulog sa Sorsogon City Police Station si alias ‘Belen,’ 63-anyos, may asawa, businesswoman at residente ng bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Ito ay kasapi ng Militia ng Batan (MB) sa ilalim ng L1, KP3 na pinamumunuan ng Celso Menguiz Command.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Batay sa ulat, ang pagsurender ni alias Belen ay prinoseso ng 1PMFC Retooled Community Service Program (RCSP) katuwang ang SCPS at ng RIU5-PIT4-Sorsogon.

Matapos ang isinagawang dokumentasyon ay agad namang nabigyan ito ng National Police Clearance na kinakailangan upang mapadali ang makukuhang benepisyo sa pamamagitan ng E-CLIP at ELCAC program ng gobyerno.

Samantala, sa bayan ng Bulan ay kusang sumuender sa 2PMFC sina alias ‘Ramil, 40-anyos, may asawa, magsasaka, residente ng Brgy Caditaan, Magallanes at alias ‘Lino, 55-anyos, may asawa, laborer at naninirahan sa Brgy Bonifacio, Bulan, Sorsogon.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Parehong miyembro ng L2, KP3 ng BRPC ang dalawang former rebels.

Ayon sa Acting Force Commander ng 2PMFC na si PMaj Romel Santos, napasurender nila sina alias Ramil at Lino sa pamamagitan ng serye ng negosasyon.