NAGA CITY – May mga Persons Who Used Drugs o PWUDS ang nagtatago o tumatakas sa kasalukuyang sorpresang screening and assessment na ginagawa ng Naga City Dangerous Drugs Board sa mga barangay.
Sa talaan ng NCDBB, 14 pa lamang na barangay ang deklaradong drug-free , ibig sabihin 13 pang barangay ang kailangan na ta-trabahuhin bago makompleto ang kabuuan ng lungsod.
Ang natitirang mga barangay ay may katumbas na 60% pang natitirang PWUDS na kailangan nilang i-assess kung ang mga ito ba ay tuluyan ng nagbago o bumalik sa dating bisyo, ang pag gamit ng illegal drugs ng marijuana o ng shabu.
Nakausap ng Brigada News FM Naga si Toti Importante ang head ng NCDBB at nabanggit niya na kanilang pinapahanap sa mga barangay opisyal ang PWUDS na hindi dumadalo sa kanilang sorpresang assessment.
Ang iba aniya sa mga ito ay nagta-trabaho na kaya hinihingian nila ng certification galing sa employer.
Iyong ayaw makipag-ugnayan sa kanila, sinabi ni Importante na mga pulis na ang bahala sa mga ito, hulihin at ikalaboso sakaling mapatunayang gumagamit na naman ng illegal drugs.