3 nanalong kandidato sa Bicol, sinuspinde ang proklamasyon – COMELEC Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) Bicol na tatlong mga nanalong kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa rehiyon ang sinuspinde ang proklamasyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay COMELEC Bicol Regional Director Atty. Ma. Juana Valeza, sinabi niya na 8 mga kandidato ng BSKE sa buong rehiyon ang inisyuhan nila ng order of suspension, at 3 sa mga ito ang panalo.

Ang tatlong mga panalong kandidato mula sa mga lalawigan ng Masbate, Sorsogon at Camarines Norte.

Aniya, pansamantala lamang naman ang suspension, pending pa kasi ang mga kaso alinsunod sa utos ng komisyon, subalit sa oras na ma-dismiss, makakaupo pa rin naman sila sa kanilang posisyon.

Dahil dito, pansamantala mag-aascend ang first kagawad na siyang gaganap na punong barangay subalit depende pa rin ito kung papayagan ng Department of Interior and Local Government na siya ring tutukoy kung sino dapat ang maupo sa posisyon ng punong barangay batay sa rules ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *