3 kaso sa pagpatay, isasampa laban kay Teves

Sasampahan si suspended District Representative Arnolfo Teves ng tatlong kaso sa pagpatay.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, maraming ebidensiya ang nalikom sa apat na buwang preliminary investigation.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Kasama sa mga kaso, ang pagpatay kina Lester Bato, bodyguard ng isang kandidato sa pagka-mayor; dating Negros Oriental provincial board member na si Michael Dungog; at si Pacito Libron ang umano’y hitman ni Teves.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Sa huli, sinabi ni Remulla na ang tatlong kasong nabanggit ay siyang dahilan kung bakit takot ang mga tao sa Negros Oriental sa mambabatas.