Sen. Dela Rosa, nanindigan na isama ang kababaihan sa ROTC

Nanindigan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagsama ng kababaihan sa panukalang Reserve Officers Training Corps (ROTC) program.

Ayon kay Dela Rosa, isinusulong ng mga kababaihan ang gender equality kaya isa na itong pantay-pantay na oportunidad upang magserbisyo sa Pilipinas.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Dagdag pa ng mambabatas, hindi namimili ang bala ng kalaban mapa-lalake man o babae kaya dapat handa rin silang ipagtanggol ang bansa.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Giit ng senador, may banta man o wala sa West Philippine Sea (WPS) dapat palaging handa ang mga Pilipino.