3 bayan sa Zambales may pinakamataas na level of functionality sa laban kontra iligal na droga

Nakuha ng tatlong bayan sa Zambales ang Ideal level of functionality pagdating sa pagganap ng tungkulin para labanan ang iligal na droga para sa taong 2020.

Ito ay base sa ginanap na Provincial ADAC functionality Audit kahapon sa pamamagitan ng virtual sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa resulta, ang San Marcelino, Candelaria at Subic ang nakakuha ng mataas na level o ideal level of functionality.

Siyam na bayan naman ang pasok sa moderate level habang isa naman ang kabilang sa basic level.

Layunin ng ADAC Performance Audit na suriin ang pagiging epektibo ng mga lokal na ADAC base na rin sa mga umiiral na kasalukuyang patakaran at batas, matukoy ang mga naitaguyod na mga pagbabago ng ADAC at lumikha ng plataporma para sa pagsusuri at pagbahagi ng mga pinakamahusay na kasanayan ng mga ADAC at miyembrong ahensya nito sa kani-kanilang antas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase
May be an image of 1 person and text that says 'Wag isawalang bahala ang kati sa lalamunan! Aksyon agad! Poever Cells PowerCells6IN1 6IN1 Salabat Salabat Herbal Ginger Brew NtC Power Cells 6in1 Salabat Herbal Mix Ginger Brew www.a www.powercells.ph'