3 Barangay sa Goa, Camarines Sur apektado ng peste sa palayan

CAMARINES SUR — Hindi lamang sa matinding epekto ng tag-init umaaray ang ilang magsasaka sa tatlong Barangay sa bayan ng Goa Camarines Sur, kun’di pati na rin sa mga peste ngayon sa kanilang palayan.

Sa ibinahaging datos ng Municipal Agriculture Office sa pamamagitan ni Agricultural Technologist Rice Program, Aldrin Oligo , halos sampung porsyento ng palayan sa buong bayan ang apektado ng peste, ang mga barangay ng Matacla, Catagbacan, at Buyo ang nakararanas nito.

Dagdag pa ni Oligo, maaari namang mabigyan ng ayuda ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation subalit sa ngayon nasa proseso pa lamang ng pag-a-apply ang mga ito.

Samantala, bagaman hindi ipinagbabawal ang paggamit ng pestisidyo, hinihikayat ng opisina ang mga magsasaka sa synchronous farming o patuloy na sabayang pagtatanim ng palay upang mawala ang mga peste.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *