LEGAZPI- Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives o (SOCO) na pinatay ang tatlong apiranteng ng Donsol, Sorsogon, sa pamamagitan ng “execution” sa Barangay Busay, Daraga, Albay.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay P/Col. James Belgira, medico legal officer ng SOCO at assistant chief ng Regional Crime Laboratory, sa lumabas na autopsy report,“headshot” umano ang tinamo ng tatlong biktima na indikasyon umano na wala na talagang balak buhayin ang mga ito.
Samantalang sa loob ng ukay-ukay store kung saan naganap umano ang pamamslang, 3 basyo ng bala ng 9mm na baril ang narekober subalit hanggang ngayon ay hindi nakita ang ginamit na baril.
Dagdag pa ni Belgira, na posibleng ginamitan ng “silencer” ang baril kung kaya walang narinig na anumang putok ang mga residenteng malapit sa lugar.
Lumalabas din na tumugma ang kanilang imbistigasyon, batay sa naging unang pahayag ng PNP Daraga sa naging statement ni Laline Herrera Amor na may pagitan na 2 hanggang tatlong oras ang pagpatay sa bawat biktima.
Ito kasi umano ay dahil sa estado ng katawan.
Kung maaalala, sa nauna na rin na panayam ng Brigada News FM Legazpo kay Police Leutenant Col. Bogart Arao Jr, kinukunsidera na nila itong case solved dahil si Peter Joemel Advincula alyas ”Bikoy” ang kanilang prime suspek na kung saan naisampa na ang kasong 3 counts of murder at attempted murder dito.