3 arestado sa pagpuputol ng kahoy

SORSOGON CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Anti-Illegal Logging at paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002 ang tatlong katao matapos makumpiska mula sa kanila ang nasa 257.5 board feet na iligal na pinutol na kahoy at walang lisensyang chainsaw sa Sitio Genablan Saday, Brgy Genablan Oriental sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Kinilala ang mga suspek na sina Henry Legara Samson, 37-anyos, may asawa, laborer; Charlie Pidedo Bobis, 42-anyos, may asawa, laborer at Ana Naga Calipay, 42-anyos, dalaga lahat residente ng nasabing barangay.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, naisumbong umano sa pulisya ng isang concerned citizen ang iligal na pamumutol ng kahoy ng mga suspek.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa isinagawang anti-illegal logging operations ng mga personahe ng Matnog POlice, nakumpiska sa mga ito ang 19 pirasong pinutol na kahoy mula sa puno ng Antipolo at isang yunit ng chainsaw.

Tinant’yang P15, 450 ang halaga ng mga pinutol na kahoy.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon