3 araw na suspension ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence sa NCR, sisimulan nang ipatupad ng PNP bukas para sa SONA

Sususpindehin simula bukas ng Philippine National Police (PNP) ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence sa National Capital Region Police Office.

Ang hakbang ay upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa darating na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Batay sa abiso ng Civil Security Group, suspendido ang PTCFOR mula alas-12:01 ng hatinggabi ng Sabado, July hanggang sa mismong araw ng SONA sa July 22.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Tanging ang mga naka-duty na uniformed personnel ang siyang papayagang magdala ng baril sa mga nabanggit na araw.