‘Six Bomb’, manatiling independent bloc sa Senado

Ikinwento ni Senadora Nancy Binay na sumailalim muna silang ‘Solid Six’ o ‘Six Bomb’ sa isang political hibernation o break mula sa politika sa session recess ng Senado.

Dahil dito, hindi pa umano sila nagkita-kitang anim para pag-usapan ang kanilang posisyon pero ayon umano sa kanilang huling usapan, mananatili sila bilang independent bloc.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ngunit sa kabila nito, tiniyak naman ni Binay na hindi sila hahadlang sa anumang pamamahala o desisyon ng liderato ng Senado maliban na lang kung nakikita nilang mali ito.

Maalala, una nang sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na wala pang lumalapit sa kanya para sumali o lumipat sa minority bloc.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, ang ‘Solid Six’ ay binubuo nila dating Senate President Migz Zubiri, Senador JV Ejercito, Senador Joel Villanueva, Senador Win Gatchalian, Senadora Loren Legarda at Binay.