2nd round ng “BAYANIHAN BAKUNAHAN NATIONAL VACCINATION DAY” isasagawa sa susunod na Linggo ayon sa PHO Albay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Dr Espeleta Zenieth, ang head ng Provincial Health Office (PHO) Albay na magkakaroon ng 2nd round ng “Bayanihan Bakunahan National Vaccination Day sa susunod na linggo.

 Ayon kay Zenieth, nakatakda isagawa ang ikalawang round ng national vaccination day sa Disyembre 15 at 16 taon 2021. Aniya, lahat ng munisipyo at lungsod sa Albay ay magsasagawa ng bakunahan na itinalaga ng Local Government Unit (LGU) na vaccination area.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

 Layunin ng aktibidad ay matulungan at maabot ang 70% target population sa nasabing lalawigan. Sa ngayon kasi umabot na sa mahigit 400K individual na katao ang nababakunahan sa lalawigan. Sinabi ng opisyal, halos 30% na lamang ang kanilang hahabulin na babakunahan upang makamit ang heird immunity bago magtapos ang taong 2021.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon