Huling araw ng bayanihan bakunahan sa Polangui , Albay posibleng makamit ang 50% roll out vaccination ayon sa alkalde

LEGAZPI CITY – Halos dalawang araw ng dinadagsa ang limang vaccination site area kahapon sa bayan ng Polangui Albay sa isinasagawang Bayanihan Bakunahan National Vaccination Day.

 Ito ang inihayag ni Mayor Andy Mariscotes ng Polangui sa Brigada News FM Legazpi. Ayon kay Mariscotes, posible makamit ng Local Government Unit (LGU) ang 50% roll out vaccination sa pagtatapos ngayon huling araw ng National Vaccination Day.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aniya, marami na rin ang nagpapabakuna sa vaccination area dahil sa mayroon na rin kaalaman at kahalagahan ng pagbabakuna laban sa covid 19. Aminado ang Alkalde na mahirap makuha ang target vaccination bawat araw dahil sa dami ng nakapila sa vaccination center.

Target kasi sa bawat araw ng pagbabakuna ay nasa 6K bawat tao magmula sa 12 taong gulang pataas. Ang mga itinalagang vaccination area na pupuntahan ng mga residente ay ang Xentro Mall at LCC, Alnay Evacuation Center, Itaran at Matacon coverred court ng Polangui.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

 Umaabot sa 3, 500 individual bawat araw ang nababakunahan sa nabanggit na vaccination area ng Bayannihan Bakunahan. Sinabi ng opisyal, halos lahat naman ng mga residente ay gusto ng magpabakuna, ngunit kailangan lamang maghintay pa rin ang mga ito at mayroon naman schedule o announcement sa mga barangay.