2,780 pamilya, apektado ng Bagyong Kiko

Tinatayang nasa 2,780 pamilya o 11,145 na indibidwal ang apektado ng paghagupit ng Bagyong Kiko.

Ayon sa situational report na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula ang mga apektado sa 97 na barangay mula sa Region I, II, III, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Naitala naman ang apat na insidente ng pagguho ng lupa sa Region I, partikular na sa lugar ng Aringay, Burgos, at  San Fernando sa La Union dahil sa malalakas na pag-ulan.

19 na lugar naman ang binaha sa bahagi ng Macabebe, San Simon, at Candaba, Pampanga sa Region III, habang may anim na kalsada pa sa Region II, III, at CAR ang hindi pa madaanan ng mga sasakyan.

Kaugnay nito, wala pa ring suplay ng kuryente sa limang bayan sa Batanes at Apayao, habang naantala naman ang suplay ng tubig sa Sabtang, Batanes dahil sa mga nasirang pipeline at accessories dulot ng malalakas na pag-ulan at hangin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *